You are here: Home > Organic at Flea Market, Idaraos sa Boardwalk ng Sampaloc Lake

News and Articles
Organic at Flea Market, Idaraos sa Boardwalk ng Sampaloc Lake
When: August 06, 2011
Where: Boardwalk ng Lawa ng Sampaloc, San Pablo City, Laguna

By Norida D. Sumilang, PIA-Calabarzon / CIO-San Pablo

SAN PABLO CITY, Laguna, Agosto 5 (PIA) — Nakatakdang magdaos bukas, Agosto 6 ng Weekend Organic at Flea Market ang ATIKHA Overseas Workers Communities Initiatives Inc. sa pangunguna ni Executive Director Estrella Dizon-Anonuevo sa boardwalk ng lawa ng Sampaloc.

Sa pagtataguyod ng San Pablo City Organic Market Working Group, ang okasyon ay bahagi rin ng pagdiriwang ng ika-isang taon ng dating Organic Weekend Market by the Lake at Eco-Life Tour: Nurture your roots and home stay accommodation program ng ATIKHA.

Sinabi ni Anonuevo na ang weekend organic at flea market ay magsisilbing lugar na maipapakita ang mga organic farm produce at produkto hindi lamang ng lokal na magsasaka kundi pati na rin ng mga kalapit na bayan.

Dagdag pa rito, dito rin maaaring mag-buy and sell ng mga lumang gamit sa kusina, damit at mga libro na magbibigay pagkakataon sa mga residente na may pagkakitaan bilang dagdag na hanapbuhay.

Ang mga ganitong proyekto, ayon kay Mayor Vicente Amante, ay nagpapakita ng magandang koordinasyon at pagtutulungan ng pribado at publikong sektor para sa lalo pang ika-uunlad ng lungsod.

Samantala, ang programang ito ng ATIKHA ay alinsunod sa kanilang adbokasiya na pagpapa-unlad ng ecotourism, community development, sustainable agriculture at environment protection na siya ring adhikain ng pamahalaan lungsod. (Norida D. Sumilang, PIA-Calabarzon/CIO-San Pablo)

Atikha Partner Links and Advertisements

Subscribe to ATIKHA by Email

Enter your email address: